CLSU Lagoon
(by Elladio Avellanoza  8/12/2009)

“Dito ako madalas tumambay noon kung gusto kong magpalipas ng oras at dito ko nalaman na enjoy rin palang makipagkwentuhan sa mga isda!”

“Dito kami madalas magkwentuhan ng mga dormmate ko nun. Habang nagkukwentuhan (kunwari) ay nakaumang ang bingwit na nakatali sa sinulid. Kapag may nakuha, dahan-dahan naming itong hihilahin para hindi mahalata ng mga secu. “

“Dito ko nalaman na mahilig pala sa chippy ang mga isda!”

“Masarap ngumuya ng turon habang nakaupo sa gilid ng lagoon”


“Dito kami madalas magkwentuhan nila Isko, Kulas at Simo. Dito namin higit nakilala ang bawat isa.”




CLSU Lagoon. Naipinta ko ito nung panahon na naghinto ako sa pag-aaral. ‘Siguro ay masyado ko lang na-miss ang lugar na ito kaya naman nag-enjoy ako sa pagpinta nito.

Dumating kase sa buhay ko na pakiramdam ko “GAME OVER” na! at kahit anong gawin ko ay CANNOT BE na talaga kahit pa mag-barrow 1 from 9..hindi na talaga pwede! Akala ko nun, dito na ililibing yong mga pangarap na plano kung buuin. Dito sa lagoon ako dumaan nun, bitbit ang malaking bag at halos malaglag ang luha ko. “GUdbye clsu…akala ko dito ko tatahiin ang aking mga pangarap…hindi pala, dahil dito pala malilibing ang lahat..lahat ng pangarap ko.


Pagkaraan ng ilang buwan (ng pagtambay sa bahay, pamamastol at pakikipagkwentuhan sa kalabaw) naisipan kong magpinta uli. At ito nga ang naisip kong ipinta. Inisip ko na nandun ako sa lugar na iyon, bitbit ang malaking bag at may ngiti sa labi dahil naglalakad ako pabalik ng dorm.

Sa bisa ng inutang na pera ng nanay ko at ng pag-asang dala ng aking first memory verse (For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.-Jeremiah 29:11-), nag-enroll uli ako sa clsu. “Nagkatotoo ‘yong iniisip kong senaryo habang ipinipinta ko ito! Ngunit problema parin ang pang-allowance. Paano ako mabubuhay? At muli, sa ngalan ng paggawa ng streamer, t-shirt printing at kung anu-ano pa ay nakapag-aral ako.

Mahirap ring maging freelance artist…minsan may trabaho, minsan wala. Salamat na lamang at may mga taong nagtiwala sa kakayanan ko, inalok akong tumira (libre pagkain at tirahan) sa aqua-arts (dating computer and advertising shop ngunit ngayon ay nasa domain registration, web & software development & design at 3d animaton busness na ito). Dito ako unang nakahawak at gumamit ng computer. Dito ko naramdaman ang pagmamahal ng Panginoon sa akin. Hindi Niya hinayaang hindi ako kumain. Laging may blessing…laging may provision hanggang makagraduate ako at kahit ngayong may stable job na ako…ramdam ko parin ito. Sa ngayon, kapag nanghihina ako iniisip ko lang ang mga nalampasan ko at inspired na uli ako. fully charge at ready for the battle na uli!

Hmmmm. Ang dami kong nasabi, pero sa totoo lang, ito lang ang gusto kong sabihin. “halikayo at samahan ako sa bagong taon ng bagong pag-asa at bagong simula! HAPPY NEW YEAR PO SA INYONG LAHAT..”




See more Articles
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});