Kwentong CLSU - Magkabalitaan Tayo
(by Antonio H. Co  8/12/2009)

Mula nang mailathala ko sa Blog at Yahoo Groups ang aking mga artikulo tungkol sa ala-ala ng aking panahon kasama si Dr. Jose L. Tabago at pagmumuni-muni sa “Feel Young”, napukaw ang pansin ng aking malalapit na kaibigan dahil sa muling nakapa nila ang pagkakalapit ng aming damdamin sa bisa ng pasasalarawan ng istorya.

Ang paksang pinag-uusapan ay nag-uugat sa iisang lugar na aming pinanggalingan na naging malaking bahagi ng aming buhay, ang CLSU. Ang mga tauhan ay maaaring kilala o di kilala, ngunit ang natitiyak ko, sila man ay may magagandang ala-ala na nais balik-balikan, ang mga araw ng kasibulan sa CLSU.

Nais ko ring tukuyin, na isang pamamaraan ng pag-akit ito sa mga kasapi ng on line forum na kinabibilangan ko, na maglabas din ng kani-kanilang natatanging personal na kwento upang lalong maging masigabo at mayaman ang talakayan.

Tunghayan ang palitan ng mga salita:

Biglang sumulpot sa CLSU Artist Club Yahoo groups ang e-mail ni Pepito Duque, isang matagal nang nawawalang kamag-aral.

“ Thank you for making me feel young. You really have some talent. You still have that Tony Co in you back in CLSU days. Keep writing and I think you have deep thoughts about that once familiar emotion of being young.

This isnt your best. Hehehe …. Pepe ”

Sinagot ko agad at copy furnished ang EYSE Yahoo groups:

“ Oy PEPS, buhay ka pa palang hayop ka, as in homo sapien (nde hayup ha?).

Mga EYSE (tawag sa mga members ng Artist Club) !, ito si Bro. Pepito Duque, ka kontempor-anyo ko sa CLSU. Magaling siyang kartonista.

Mula sa pagbobote, pagbabakal, pinasok na rin niya ang pagkakarton.

Malikot ang kanyang isip at lalong lalo na ang kamay, sa paglikha ng mga nakakakiliting obra sa pag-guhit. Paborito nyang guhitan ang mga CR, dingding ng mga malilinis na pinturadong building, locker sa dormitoryo, pader at bakod. Me kakaiba rin siyang kakayahan na sulatan ang t-shirt ng sari-saring bandalismo habang nakasuot ito at hindi namamalayan ng manhid na tao.

Ang hindi na lang niya masulatan masyado ay ang kanyang nag-iisang kuwaderno na gamit sa aralin.

Di ko maubos maisip kung pano siya naka graduate. Di ko alam kung sa awa o takot ng pamunuan ng CLSU kaya siya pina-graduate.

Simula nun maging alumnus na siya, naging malinis at maaliwalas na ang kapaligiran sa CLSU. ... Tony Co “

Hindi nakatiis si Rudy Sadia, kapwa ko Cocofed Scholar sa CLSU, sabi niya:

“ naaaliw ako sa blog mo, sana nga magkapanahon din akong magsulat. Maaring sa paraang itoy makatalamitam natin ang mga dating kamag aral natin sa clsu. Katulad ni Pepe na bigla na lang sumusulpot samantalang huli kaming nagkita ay sa Sultan Kudarat, pero ngayoy nakikipagbuno na ang dila sa banyagang bansa.... Rudy “

Sinundan uli ni Rudy ng e-mail, bilang balik ala-ala sa masasayang araw namin ng pagtatanim sa Digdig:

“ parang hindi century plant ang pangalan ng halamang tinanim natin sa digdig. Mas mabuting itanong natin kay Felino, alam mo namang kabisado non pati mga middle name ng lahat ng cocofed scholars, wanted nga siya ngayon ng dzmm papalit kay Ernie Baron.

Dapat dinagdag mo pa kay Peps yung bubble gum na dinikit niya sa may urinal ng men`s CR ng College of Engineering at linagyan ng paskel na, PLS.DONATE!... Rudy “

Nasisiyahan ako sa naging reaksyon ng malalapit kong kaibigan. At nabanggit na rin ang pangalan ni Felino Linga, BSAEn `85. Tinatawagan ko siya na magparamdam naman.

Kapag lumabas na si Felino, marami pang susulpot na ka-kontempor- anyo naming kasamahan, tulad nina Roy Oracion - uncle ni Leo Oracion ng Everest, Nida Fadul - walang kinalaman sa frat hazing, at iba pang kaklase na mahihilig tumawa. Yun iba naming mga kaklase na ayaw lumitaw, ay kuntento na yata sa pagbabasa, tulad ng kwentong ito.




See more Articles
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});