Noon , Ngayon at Bukas…..Mabuhay ka CLSU!!!

Isang pagbabaliktanaw at pagbibigay pugay
Sa moog na sa kaisipan at katauhan ay nagpapanday
Upang ang mga mag-aaral ay maging matagumpay
Tungo sa bukas na kuntento at sadyang matiwasay

Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi ang CLSU
Central Luzon State University ang ibig sabihin mismo
Central Luzon Agricultural School noong nagsimula ito
Taong 1907 kung nais malaman ang taong eksakto

Siempre ay umangat ito at naging isang kolehiyo
CentraL Luzon Agricultural College ang naging titulo
At dahil sa patuloy na pagsulong at pagbabago
June 18, 1964 , Central Luzon State University ang naging estado

Ibig sabihin ay tanyag sa mga kursong pang Agrikultura
Na sa ating bansa ay angkop na angkop at napakahalaga
Upang maihanda ang ating mga kabataan sa pagsasaka
At masigurong ang mga ani ay sagana at maganda

Kaya noong una ay limitado pa ang mga kurso
Maging ang buhay ay ibang-iba kung iisipin mo
Marami ang naglalakad tungo sa mga gusali mismo
Mayroon pang tren na bumibiyahe at PNR ito

Malaki na ang iniangat ng Central Luzon State University
Center of excellence na mga kolehiyo dito ay marami
Kitang kita ang ebidensiya ng mga pagpupunyagi siempre
Tunay na kahanga hanga at kayang kaya mong maipagmalaki

Sa kasalukuyan ay tanyag na nga ang unibersidad kung tutuusin
Nangunguna sa National Board Exams ang College of Veterinary Medicine
Sa lokal at internasyonal na pananaliksik at publikasyon ay magaling
Kaya naman patuloy na ang marka ng pagsusumikap ay masasalamin

Sa kasalukuyan ay mababanaag ang maaliwalas na bukas
Sapagkat nagdaang mga administrasyon ay nagsumikap
Maging kasalukuyang nagpapatakbo nito ay sobra rin ang sipag
Punong puno ng inspirasyon upang ang CLSU ay patuloy na umangat

Sa huli bilang isang Alumnus ng nasabing Unibersidad
Karangalan ang magtapos at sadyang mapabilang na ganap
Bilang bunga ng pundasyong malalim at sadyang matatag
Mahalagang bahagi tungo sa katuparan ng mga adhikain at pangarap

JD Agapito
COCOFED Grantee 1979-1984
First Graduate of BS Biology, CAS, CLSU 1984
Associate Professor in Biology Dept. UP CAS Manila
Affiliate Professor of UP Open University
Radio Host of Pinoy Scientist Program Sunday 5-6 pm Radyo Agila




See more Literary